Di ko lubos maiisip bakit ba hindi napapagod ang puso ko sa pagmamahal kahit alam nya na wala naman ito positibong pupunta kundi pawang kabiguan lang. Way back last December 2010 nang mainlove ako sa isang magandang babae. Akala ko nun ya iyon ang huli na titibok itong puso ko. Di birong kabiguan yon na nangyari sa buhay ko. Ang kabiguan na yon ang isa sa mga rason kon bakit ayaw ko nang maniwala na may natira pang pag asa para sa akin kung ako'y iibig mang muli. Ang nasabing girl ay naging inspirasyon ko sa isang SEO na paligsahan na sinasalihan ng mga bago sa mundo ng blog. Oo nga naging isa ako sa tatlong nanalo sa nasabing paligsahan ngunit baliktad naman ang lahat pagdating sa pag-ibig. Nabasted ako, parang nadapa na rin ako at ayaw ko na sanang bumangon pa ngunit dahil sa mga mabuting kaibigan sa paligid ko, sa redhorse sa tindahan at mga usapang lasing muli akong tumayo mula sa pagkabigo... At dahil sa nangyaring iyon pinangako ko sa sarili ko na di dapat seryosuhin ang ganung bagay dahil masasaktan ka lang. Nagkaroon ako ng mga girlfriend kung saan pawang laro laro lang ang lahat. Wala akong balak mag seryoso kahit mayroon naman nagpapakita ng tunay na pagmamahal sa akin. Pero sa mga panahong iyon isa lang talaga ang masabi ko "Pag Seryoso, Talo".
Nananatili sa akin yong sinabi ko sa sarili ng maraming buwan. Inisip ko na di naman siguro ako iibig pa ng totoo. Pero mali ako dahil ng huling linggo sa buwan ng Setyembre, 2011 muli na naman ako tinamaan ng pana ni kupido. Ayaw ko na sanang bigyan pa ng malalim na pag iisip ang nararamdaman ko at ibalewala ang love na nararamdaman ko pero di talaga pwede, alam nyo kung bakit? Dahil habang pinipilit ko na kalimutan doon naman pilit na pumapasok. Lagi ko syang inaalala kahit nasa trabaho ako. Always kung sinasabi sa isip ko sana OK sya, sana kumain na sya, sana perfect nya mga exam nya, at sana may pag-asa ako pag niligawan ko sya.. OO nga pala kaarawan nya bukas October 11, 2011 dito sa Pinas. Wala akong maibigay sa kanya pero sana ang isang simpleng CARD ay mapangiti ko sya. Mahal na mahal ko sya at this time di na ako umaasa tulad noong nauna. Natatakot nga ako manligaw eh, dahil ayaw ko masaktan. May mga nagsabi sa akin na walang pupuntahan ang lahat pag di ako matutong ipaglaban ang aking nararamdaman. Makausap ko nga sya sa phone parang malumpo na ako sa kilig ganun siguro pag inlove.
Ano sa inyo? Liligawan ko ba sya? Or patuloy ko nalang kikimkimin ang nararamdaman ko sa kanya. Please drop your comment. Salamat

No comments:
Post a Comment