RSS
Welcome to my blog, hope you enjoy reading :)

Wednesday, December 16, 2009

Sikat ang Pinoy

Mula pa noon hanggang ngayon di pa rin padadaig ang pinoy sa iba't ibang larangan. Maraming Pinoy ang nakilala sa iba't sport tulad ng boksing na hanggang ngayon ay patuloy na pinag-uusapan sa mundo. Isa sa mga Pinoy na nakilala sa boksing ay ang tinaguriang "Pambansang Kamao ng Pilipinas" na laking General Santos City na walang iba kundi si Manny "Pacman" Pacquiao na ngayon December 17, 2009 ay nagdidiriwang ng kanyang ika-31 taong kaarawan. Siya ngayon ang kasalukuyang humahawak ng WBO welterweight belt. Si Pacquiao ngayon ay napabilang sa tinatawag na "Pinakamagaling na Boksingero ng kasalukuyang Decada". Sa kanyang karera sa boksing, sya ay nakakuha ng pitong titolo na kung saan ay nakuha nya yung huli sa kanyang naging huling kalabang mula sa Puerto Rico na si Miguel "Angel" Cotto. Mga imbitado sa kaarawan ni Manny Pacquiao, Miguel Cotto at Ricky Hatton ang dating mga nakalaban ni Manny.

Sa ngayon siya ay naghahanda para sa isang napakalaking laban na gaganapin sa Marso taong 2010 na kung saan makakalaban nya ang walang talong Amerikanong boksingero na si Floyd "The Pretty Boy" Mayweather Jr. Ang labang ito ay inaabangan talaga ng mga Filipino at ng buong mundo. Maraming nang kumalat na video sa internet tungkol sa mga sariling pananaw ng magaganap sa laban ng dalawang sikat na boksingero sa dekadang ito. Gagawin ng Pinoy ang lahat ng kanilang magagawa sa malinis na paraan upang ipakita sa buong mundo na hindi padadaig at patatalo ang Pinoy sa anumang larangan.Di lang naman sa boksing namamayagpag ang Pinoy meron din naman sa ibang larangan tulad ng bilyard, bowling, at iba pa. Sa kasalukuyan ang Pinoy ay nagkaroon na ng 29 gintong medalya, 24 medalyang pilak at 42 na medalyang bronse at nasa ika-anim na pwesto sa kabubuoan sa ginaganap na Timog Silangang Asya Kompetisyon sa iba't ibang larangan ng patimpalak.

Iba talaga ang Pinoy kaya kahit saan d ko ikahihiya na ako'y isang Pinoy.
Sikat ang Pinoy!!!



No comments:

Post a Comment