RSS
Welcome to my blog, hope you enjoy reading :)

Monday, January 4, 2010

Pambansang Pagdiriwang sa Pilipinas

Likas sa mga Pilipino ang pagdiriwang ng mga natatanging pangyayari na naganap sa kanilang buhay at paligid na nagkaroon na ng bahagi sa kanilang buhay. Ipinagdidiriwang ng mga pinoy ang kaarawan at mga pista na hanggang sa kasalukuyang nagbibigay katanyagan sa Pilipinas. Sa unang araw ng Enero ay ipinagdidiriwang ng mga pinoy ang Bagong Taon. Sumunod dito ang pagdiriwang ng Araw ng Rebolusyong EDSA na ipinagdidiriwang sa 1ka-25 ng Pebrero bilang pag-alala sa pagpapatalsik sa isang dektador na namuno sa bansa. Ika-9 ng Abril ang Araw ng Kagitingan bilang pag-alala sa mga kabayanihang nagawa ng mga magigiting na Pilipino na nagkaisang lumaban sa mga mananakop. Sinundan ito ng Mayo 1 na ipinagdidirwang ang Araw ng Manggagawa na bilang pagpapahalaga sa mga manggagawang pinoy dahil sa kanilang paglilingkod sa lipunan. At ang ika-12 ng Hunyo na kung saan di makalimutan ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan. Agosto 26 ay ipinagdidiriwang ang Araw ng mga Bayani bilang pag-alala sa mga kabayanihang nagawa ng mga matatapang at magigiting na Pinoy na hinahangaan di lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Kahit sa pagmumulat ng mga pusong natutulog, SIKAT ANG PINOY dahil sa mga kabayanihan na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ring inaalala ng mga Pinoy.

Sa anumang larangan maging sa kasaysayan Sikat ang Pinoy

No comments:

Post a Comment