RSS
Welcome to my blog, hope you enjoy reading :)

Sunday, January 17, 2010

Labanang Pacquiao-Clottey


Isa sa mga inaabangan ng mundo ang laban na mangyayari ngayong darating na Marso 13, 2010. Ang labanan sa boksing na kung saan hahamunin ng isang taga Ghana ang pambato ng Pilipinas na si Manny Pacquiao. Si Joshua "the Hitter" Clottey, isang Ghananian na susubok sa lakas at tatag ni Pacquiao. Ang laban ay gaganapin sa Cowboy Stadium, Arlington Texas.Ang nasabing laban ay ipinoroklama pagkatapos na umatras si Floyd Mayweather Jr. sa labang Pacquiao-Mayweather. Isang napakalaking hamon para sa ating pambato ang pagharap nya sa isang tinaguriang marumi maglaro ng boksing na si Clottey. Ang tanong ng mundo kaya ng manghahamon na ito ang ating Pambansang Kamao?
Kahit saang larangan talaga di padadaig ang Pinoy. Maraming humahamon at marami na rin ang nabigo na makuha ang mga titolong nakuha ng PINOY.
SIKAT TALAGA ANG PINOY.

No comments:

Post a Comment